apir disapir

ano to? bagong site na naman? kung san san talaga ako napapadpad pati sa internet “ligawin” ako? ayos naman ang lugar na to buti naligaw ako dito… sa wakas, may mapag aaksayahan na naman ako ng panahon (pag walang ginagawa), mapaglalabasan ng sama ng loob (iwas kapraningan lang) at may makikilala na naman akong mga bagong tao o pwede rin kaibigan (sana nga meron)

medyo bago este bago talaga sakin ang site na to di ko pa kabisado… may mga ilang sites na rin ako na napuntahan… kung san madami ako nabasa, nagawang blogs at naging kaibigan… pero nag disapir na yun eh… (hays) sayang nga eh kasi dahilan sa mga taong walang magawang mabuti pati pagkakaibigan ng iba nadadamay… nakakamiss tuloy mga friends ko dun… sana andito sila mukhang sibilisado ang mga tao dito eh. (bago kasi kaya nambobola) pero di nga mukhang ok to para sakin sa ngayon kaya eto ako ngayon pagtapos maglaho sa isang site ay sumulpot ulit para magpahayag ng kung anoman saloobin meron ako sa bawat araw… may pumansin man o wala ayos lang… dahil gaya ng nabanggit ko kanina, iwas kapraningan… ayoko lang mag isip ng kung ano sa sarili ko.. ayoko nga sa mental masaya na malungkot… (hala! ano daw? ehehehehehe)